Minsan, ni-recite ng pamangkin ko ang Panatang Makabayan, memorize nya from start to finish! Tapos tinanong ko sya kung sino ang nagturo sa kanya nun.
Sabi nya, "Ang teacher ko po. Sabi nya, dapat lagi naming mamahalin ang Pilipinas kahit saan kami magpunta."
Sabi ko, "Tama! Huwag na huwag mong kakalimutan kung saan ka nanggaling at lagi mong susundin ang mga natutunan mong values ng mga Pilipino."
Very soon, pupunta na sya sa States. Sana hindi sya matulad sa iba na dahil sa matinding impluwensya ng banyagang kultura, ay wala nang masabing mahusay tungkol sa bansang pinanggalingan nila.
No comments:
Post a Comment